Hindi ka mahirap mahalin…

My tagalog poem… (no English translation available)

Hindi ka mahirap mahalin.

Nakakagulat mang aminin.

Kahapon magkaibigan lang, ngayon mahal na ata kita.

Bukas nandyan ka pa kaya?

Kahit anong pilit na pagpigil,

Kusang lumalapit, kusang lumilitaw.

Sino ba naman ako para itanggi

ang kaligayahang nadarama nitong puso kong uhaw?

Alam kong hindi pwede, alam kong hindi tama.

Pero kung ang pagiging tama ay nangangahulugang wala ka,

Dyos ko! Mas bubutihin nang maging mali

Pero habang buhay kang kasama.

Alam ko ang kinababahala mo

‘Pagkat natatakot din ako.

Dahil isang bangungot ang nakaraan,

Na alam kong hindi ko kayang pantayan.

Ngunit sa iyong mga mata, at sa iyong mga ngiti

May kislap ng pagasa akong nadarama.

Pero kung ito’y iyong itatanggi,

Sabihin mo lang sinta, at ako’y magpaparaya.

Advertisements

7 comments on “Hindi ka mahirap mahalin…

  1. “Because a nightmare the past,
    I know I cannot match.
    But your eyes and your smile
    May glimmer of hope I felt”

    Have I got it right ???? I guess you written in Philippine. Beautiful words.

Reply here! ^_^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s